


Ano pa bang mas makapagpapa-excite ng isang Monday night kun'di ang makipag-tugtugan, makipag-awitan, at umindak sa saliw ng musikang Pinoy? Nitong ika-27 ng Setyembre, muling nagpaSIKAT ang samahan sa inihandog nitong munting concert: SIKATRAOKE: The UP SIKAT Big Band Theory Night, isang gabi ng saya at talento sa musika na ginanap sa My Brother's Mustache FolkBar sa Timog, Quezon City. Nagbigay tuwa ang mga performers sa mga taong umiibig, napapagod, nalilito at mga gusto lamang maaliw sa gabing iyon, sa kanilang pag-awit ng mga kantang swak na swak sa puso at damdamin. Ipinamalas ng Big Band Theory ang kanilang galing sa pagtugtog at pagkanta ng piling mga sikat na OPM tulad ng "Oo" ng Up Dharma Down, "Sundo" ng Imago, "Beer" ng Itchyworms, at "Spoliarium" ng Eheads.
Tampok din ang ilang sikat na “foreign music” tulad ng "Hey Soul Sister" ng Train at isang "Lady Gaga Medley".


Maliban sa mga miyembro at aplikante na nagtanghal sa SIKATraoke night, ilang alumni ang malugod na dumalo at nagpaSIKAT rin sa ma manonood.

Naunang nagtanghal si Kuya MchRon at nakipag-duet pa kay Mabel Ogoshi sa awiting "Tattooed On My Mind" ng DSound, at tumugtog naman ng gitara ang paborito naming si Kuya Jerome. Isa rin sa mga dumalo ay si Ate Joanna, isa sa mga founders ng SIKAT at ang aming “original voice talent”. Sobrang ikinatuwa ng mga manonood ang mga awiting kaniyang inawit tulad ng "Ur So Gay" ni Katy Perry at "Underneath Your Clothes" ni Shakira na talaga namang nagpainit sa gabi. Siya narin ang umawit ng finalé, ang "Leaving On A Jetplane" na talaga namang tagos sa puso.

Sa kabuuan, naging tagumpay ang SIKATRAOKE: The UP SIKAT Big Band Theory Night na pinagsaluhan ng mga kaibigan ng SIKAT, mga aplikante, miyembro at mga alumni.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo! Magkita-kita tayo muli sa REPEAT PERFORMANCE ng SIKATRAOKE!!
Congratulations sa Big Band Theory! (Ramon Vinzon, Solomon Vicencio, and Van Battad)

0 Comments:
Post a Comment