04 August 2010

SIKAT sa KAPPistahan

ni Janine del Rosario at Erica Hitosis









Photo: SIKAT new generation Voice talents (from left: Allen, Ginelle, Erica, Van, Mabel, Jeff, and Laura)


Heto na, nakita mo na!

Ipinakilala na ng UP SIKAT ang THE BIG BAND THEORY at THE BACK-UP DANCERS sa pinaka-unang pagtatanghal ng mga ito sa naganap na FRESHIETIME, ang KAPPistahan 2010 na ginanap sa engrandeng AS Lobby. Ito ay isang gabi ng saya at pagbibigay aliw sa mga bagong freshmen ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya na hatid ng CSSP Student Council.







Photo: The Big Band Theory with the Big Lead Vocalist Mabel (guest vocalists: Sed, Darrell; instrumentalists: Ramon, Sol, Van, Fifi; back-up vocals: Janine, Sski, Erica)


Itinanghal ng UP SIKAT ang isa sa kanilang "signature performances", ang Voice Talents na sinundan rin ng isang mash-up na inihandog naman ng Big Band Theory. Sumabay ang mga freshie sa mga tugtog na tulad ng Lovefool, Smooth Operator, Yes Yes Show, Anak at Magasin. Ito na mismo ang "launching" ng The Big Band Theory.


Nagpakitang-gilas rin ang The Back Up Dancers na nagtanghal naman, sa unang pagkakataon, ng sayaw na Wow, OMG, at Drop It Low. Nakaka-wow talaga panooring umindak ang The Back Up Dancers ng SIKAT! (Photo: lead backup dancer Louie)

Sadyang napakasaya at nakakaaliw ang taunang KAPPistahan ng CSSP, lalo na para sa mga freshies, at sa gabing ito ay naipakitang muli ng SIKAT ang pagmamahal sa pagtatanghal.


* The Big Band Theory and The Back Up Dancers are still holding auditions. You may read the details here.

** Photos by Walter Cheng and Vince Escarcha

0 Comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails