

Excited ang BACK UP DANCERS habang naghihintay sa kanilang unang dance workshop sa PHAN 3rd floor, ang paboritong workshop venue ng SIKAT. Si Ginelle Petterson, Punong Diwata ng SIKAT, ang lead dancer ng grupo ay hindi rin maitago ang pananabik; maliban kay Bevs Lumbera, ang Diyosa ng SIKAT ng nakaraang taon na naroon upang makisaya sa dance workshop, ang Emergency Performing Sensation at former Director for External Affairs (Diwata ng Mukha) na si Marian Cloma ay inaasahang dumating upang mag-facilitate at magturo ng ilang sensational dance moves!


Aming tinanong kay Marian kung ano ba ang dapat tandaan sa pagsayaw, sagot niya: "Your facial expression is very important. Hindi dapat ito kalimutan sa pag-choreograph ng isang sayaw."

Abangan ang dance showdown ng BACK UP DANCERS sa Grand Finale ngayong Agosto. Ang challenge: Ballet at Streetdance mash up! Kabugan na!
* Si Marian ay kasalukuyang nasa senior year sa UP College of Law. Maliban sa pagsayaw, siya rin ay umaawit, umaarte, at nagsusulat.
0 Comments:
Post a Comment