


Ang Telenovelang SIKAT
Ang telenovela ay isa sa mga pinaka-paboritong libangan ng karamihan. Siempre, sa UP, hindi magpapahuli ang UP SIKAT sa pagsubaybay ng mga kapanapanabik na mga twist sa buhay buhay ng mga mag-aaral. Maraming tagpo, maraming salaysay, maraming tsismis ang matutunghayan. Isa na rito ang PAG-IBIG.
Ikaw, hindi ba't natikman mo na ang lupit ng PAG-IBIG? Minsan ba'y napaisip ka kung ano ba talaga ito?
Inihahandog ng UP SIKAT ang pinakabago nitong tema, ang telenovela ng buhay PAG-IBIG. Maraming anyo ito: pag-ibig sa isang natatanging tao, pag-ibig sa isang kaibigan, sikretong pag-ibig, pag-ibig sa pamantasan at bayan, pag-ibig sa sining.
Tulad mo, umiibig kami. Sa sining ng pagtatanghal. Iniibig namin ang pag-awit, pagsayaw, paggalaw, pagsulat, at iba pa.
Halika, tikman natin at lasapin ang tamis, pait, tabang, anghang, lagkit, lamig at init ng PAG-IBIG.
PHOTOS:
Char Silva as Medusa,
ang babaeng nagdurusa
Angela Alcantara as Kassandra Negra,
ang ambisyosang model
April Dellosa as Madame Strawberry,
ang mapusok na manghuhula
(Photos by Martin Vidanes,
Art Direction by Jeff Agustin)
0 Comments:
Post a Comment