08 July 2008

Mapaglarong Pag-ibig


Ang Telenovelang SIKAT

Ang telenovela ay isa sa mga pinaka-paboritong libangan ng karamihan. Siempre, sa UP, hindi magpapahuli ang UP SIKAT sa pagsubaybay ng mga kapanapanabik na mga twist sa buhay buhay ng mga mag-aaral. Maraming tagpo, maraming salaysay, maraming tsismis ang matutunghayan.
Isa na rito ang PAG-IBIG.

Ikaw, hindi ba't natikman mo na ang lupit ng PAG-IBIG? Minsan ba'y napaisip ka kung ano ba talaga ito?

Inihahandog ng UP SIKAT ang pinakabago nitong tema, ang telenovela ng buhay PAG-IBIG. Maraming anyo i
to: pag-ibig sa isang natatanging tao, pag-ibig sa isang kaibigan, sikretong pag-ibig, pag-ibig sa pamantasan at bayan, pag-ibig sa sining.

Tulad mo, umiibig kami. Sa sining ng pagtatanghal. Iniibig namin ang pag-awit, pagsayaw, paggalaw, pagsulat, at iba pa.

Halika, tikman natin at lasapin ang tamis, pait, tabang, anghang, lagkit, lamig at init ng PAG-IBIG.









PHOTOS:

Payton Yao as Walter,
ang binatang walang pakialam

Mabel Ogoshi as Mabel,
ang bonggang-bonggang starlet ng mga nightclub

Kenji Casul as Vivora,
ang babaeng mapang-akit

(Photos by Martin Vidanes,
Art Direction by Jeff Agustin)



0 Comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails