Ito ang first time na naimbitahan at nagtanghal ang UP SIKAT sa napakalaking crowd ng UP Theater. Isa lamang ang UP SIKAT sa mga intermission numbers ng event na "Awitan", na isang university-wide choral competition. (Salamat sa mga naging fans ng UP SIKAT matapos kaming mapanood dito, pagbubutihan pa namin sa mga susunod na pagtatanghal!)
FLASHBACK:
Ang "signature voice talent" performance ng UP SIKAT ay unang itinanghal sa isang event sa UP College of Mass Communication noong 2003, bilang intermission number (iisang tao lamang dati ang gumanap para dito, akalain mo?). Ngunit sumikat ito nang itanghal ito sa engrandeng AS Lobby noong 2004 sa PASIKLABAN sa CSSP (College of Social Sciences and Philosophy), featuring Serah Laquindanum, Drew Nepomuceno, at Jeff Agustin.
Ito naman ang first time na magtanghal ang UP SIKAT sa UP Abelardo Theater. (Ito rin ang pinaka-lumang video recording ng Voice Talents performance ng UP SIKAT.)